welcome april, my birth month.a quarter of the year has passed by and the hurly burlies of life never stops to enthrall me. as expected, this month will bring unique possibilities and of course drawbacks that i need to face. so glad it finally came because it speaks of many good things to me. it is the month of "many things" such as... , let me think.... of course, my bday, my mom's and niece's birthday, my friends birthday and anniversary, the advent of spring, lovely flowers and fresh shades of green, more daylight, weather tends to improve for outdoor flings, april fools, earth month, chocolate eaters and the smile month, the humour month, stress awareness month etcetera, etcetera. april is a time of re-growth and the pure amount of reflection of life will surely leave me somewhat tipsy. april's coming was also an indication that i survived march. april leads to may and may leads to summer and draws me another step closer to that "special" month i was hoping for. but while the month smiles, promises and blesses, i had a melodramatic start and have been into that life's roller coaster ride once again. the ride really took me to a loop and went around and around in some sort of a dizzying cycle. and just in case the ride won't cease to a halt, i hope it won't build to a primal scream.i love april and i'm starting my blog off with these wishes and whatever thoughts that i have.
i wish you could feel me now
i wish you could see me
i wish i could show you how
i wish i can be the proof to show you
the many people in need for you
and those who can't live without you
many months ago
i figured out that i love you
and i wanted it so much
i was glad to have the chance
in the best i could, to give that out
i must say that i am fortunate
to love more than once in my life
and to have that love shared
once more to you
with all the joys and the hurt
the throbbing of my heart inside my throat
and the crushing wait
that what love is all about, i believe
i could only grow
by being into something that isn't easy
while i fall in love with you
i slowly find bits and pieces of myself
that i haven't recognized yet
somehow, you weren't aware
how you have been keeping me in touch
to knowing those parts of me - -
growing and nurturing them
making me more infinitely loving
this love i surely intend to keep
i know its mine
when i'm awake
and
when i'm asleep
***
copyright bv april192007
February 22, 2008
i became me in april
i love you not just. . .
i love you not just for who you are
but for who i am when i'm with you
i love you not for what you've done to your life
but for what you're doing to mine
i love you for making me good
and happy, and whole
because that is what you do
without a word
without a gesture
without a doubt
just by being yourself
such a simple thing
but no one else in the world could do it
ONLY YOU
***
copyright bv 2007
mangangarap pa rin
. . . .ako na maging bahagi ng buhay mo sa paraang alam ko at sa pinakamainam na panahon at direksyon- - - hindi lang ngayon, o sa oras na ito, o isang saglit. gugustuhin ko pa ring hanapin ang sulok na puwede kong angkinin at hangarin ang kung ano ang nararapat sa isang katulad ko na nagmamahal. ibabaling pa rin ang tingin sa dating tinitingnan, hindi kukurap dahil kahit na ipikit ko ang mga mata, hihilahin pa rin naman ako ng mga sandali para hanapin ka, makita ka, makasama at madama. maaaring makamit ang inaasam o maaari ring umabot ng kailanman, kabuluhan pa rin sa buhay ko ang bigay nito. hindi ko hahayaan itong mawala, matuyo at mamanhid sa damdamin ko. bubuhayin ko ang pangarap ng pag-ibig kahit na sa kalagitnaan ng kawalan. dahil sa nais kitang mahalin, hihigtan ko ang buhangin sa dalampasigan. ang salita kong hangin - - - yayakap pa rin sa iyo ng aking ngayon, kahapon at bukas. dahil nais kitang ibigin, pupukawin ko ang sarili sa lungkot at hindi lalagyan ng anumang saklaw ang nararamdaman, kahit na alam ko na sa isip at puso ko magagawa ang lahat na ito. layunin kong makamtam lahat ang pangarap sa piling mo lamang. umiyak man ako o malungkot - - - ito ang mga sentimyentong sa akin ay makapagpapasidhi ng katauhan. sa diwa ng isang manunulat na sa palagay ko ay umibig din, hihiramin ko ang kanyang mga salita sa pagkakataong ito sa naiibang pahiwatig:
"kung ibig kitang kilalaninsisisirin kita hanggang butoliliparin kita hanggang utakiilanlang ako hanggang kaluluwa mo - - dahil hubad ka doon mula ulo hanggang paa"
mangagarap pa rin ako at. . . mananaginip
***
copyright bv 2007
sa wakas 2007 na
namimiss ko na ang new year sa pilipinas. miss ko na ang watusi, ang labintador, ung mga fountain na nakalinya sa daan, ung sinturon ni hudas, babyrockets at whistle bomb. si superlolo at yung mga trumpilyo na nakapako sa bakod ng mga bahay. sama ko na rin ung hiyawan ng mga bata sa daan na "ay supot!" pag ang labintador ay di pumutok ng malakas. kelan kaya uli ako magsusunog ng lumang gulong sa gitna ng daan para doon ko itatapon ang labintador at watusi. kakatuwa na nakakainis dahil pagkatapos ng pagdiriwang doon ko lang mapapansin kung gaano kaiitim ang kurtina sa bahay pati na rin ang aking ilong.sa pagsalubong sa 2007, tama lang ang ingay sa paligid ko tulad ng pagsigaw ng hapi new year after ng countdown, tawanan, kantahan at ingay ng mga beso beso, mga batang naglalaro at nagsisigawan. mabuti na nga ang ganito... walang paputok, walang madidisgrasya, walang masusugatan o daliring mapuputol o batang makakalunok ng watusi. dumaan ang magdamag ng walang nasugatan. ang pinakamaganda, lumipas din ito na kasama ka sa aking puso at isip.
natahimik ang paligid ng mga bandang 1:30 am pero alas tres na ng madaling araw ako dinalaw ng antok. mulat ang mga matang nakatitig lamang sa maulan na ulap mula sa parisukat na bintana habang sinasabayan ko ng buntong hininga ang tagaktak ng ulan sa may pasimano. naisip kong muli na wala ngang nasugatan sa mga paputok, pero casualty pa rin ang puso ko na nangungulila ng matindi sa iyo.p.s. new year resolution ko? di na ako mag-o off ng cell phone.
***
copyright bcjanuary12007
gusto kong maging bata muli
***
copyright bv december 2, 2006
naghihintay
nangangako
naniniwala
nangangarap
natutulalan
agiisip
nag-aabang
naghihintay
NAGMAMAHAL
***
copyright bcnovember172006
pagmumuni-muni
naisip ko na ang pagkakaiba ng "magkahawak kamay" at "pagkadena sa kaluluwa"; na ang pagmamahal ay hindi suporta at ang pagkakaroon ng kasama ay hindi pagkalinga, ang mga halik ay hindi kontrata, at ang mga regalo ay hindi mga pangako. ngayon ko na lang natanggap ang aking pagkatalo bilang isang taong nasa tamang pagiisip. ang mga daan pala na dapat tahakin ay dapat nagawa na ngayon dahil ang daan sa kinabukasan ay hindi laging tiyak kahit kasama na sa mga plano. ang sobrang araw ay nakakapaso. ang sobrang tubig ay nakakalunod. magtatanim ako ng hardin at pagagandahin ng aking kaluluwa imbes na maghintay ako na merong magbigay ng mga bulaklak. dito, matututunan ko na kaya ko ang pagsubok, na malakas ako at mayroon akong halaga.
***
copyright bc october232006
ang ganda ng panahon
ang ganda ng panahon. lumabas ako kanina. nagpaaraw at makita ang araw kung ano ang dala nito. naglakad-lakad ako habang iniisip kung saan masarap kumain. ang taas ng araw pero malamig ang hangin. balik jacket ako at scarf. jacket at scarf palang dahil kaya ko pa naman ang lamig. feeling pretty and smart daw. . . he..he..he... naglakad-lakad ako kasama ng mp3 player habang kinakantahan ako ni rachelle, true faith at shamrock. ang ganda nga ng panahon, kasing ganda ko, kasing ganda ng nasa isip ko. muntik na namang dumale ang switch sa utak ko. hindi naman siya nagwagi. maganda ang panahon, kailangang maganda ang pag-iisip ko.
dinala ako ng paglalakad ko sa chinese restaurant. puno ang lugar pero nong pumasok ako, pakiramdam ko ako lang ang andun. pero nong ginala ko uli ang paningin ko, hindi pala ako nagiisa. habang hinihintay ko ang order, nilabas ko ang paborito kong science magazine. nalaman ko na hindi na pala planeta ang pluto. kawawang pluto.... inisnob na dahil sa kaliitan.
dumating ang order kong dumpling with noodle and soup. yucch... di ko nagustuhan. sana yung chow mein na lang ang kinuha ko. pero inubos ko pa rin kahit di ako enjoy sa lasa. sayang eh. sayang. . . .
naglakad lakad ako uli bago bumalik sa opisina. pagtingin ko sa oras, me tatlumpung minuto pa ako. pero di ko na ginamit. bumalik na lang ako sa trabaho para magupdate ng blog para isulat ito at baka . . . . hmmmm
ang ganda ng panahon... sana laging maganda lahat lahat sa buhay ko.
***
copyright bcoctober162006
limang kilometro, tatlumpung minuto
sarap tumakbo. malapit ko na atang maging obsession ito. hinihila ang mga kamay ko na damputin ang aking running shoes pag mejo naging dragging ang araw ko o kung meron akong gustong tanggalin sa isip ko o kaya eh kung gusto kong maaliw o kaya magrelax lang. tatakbo ako, palayo sa bahay, palayo sa mga isipin, palayo sa ingay, palayo sa maraming bagay. ito yung tinatawag kong pag-iwas na sinasadya at ito rin lang ang posible kong gawin para makuha ang satisfaction na gusto ko sa mga oras na iyon. mag-isa akong tumatakbo pero okey na ang mp3 player na tumutugtog ng mga favorite love songs ko. ganado na ako nun at sapat na para di ko maramdaman ang hingal, ang tagaktak ng pawis, ang banat sa bawat hibla ng aking kalamnan.
tatlumpong minuto kong tinakbo ang limang kilometro. gusto ko sanang mas mabilis pa pero di ko kelangang pilitin ang di ko kaya. nakakapagod at marunong din akong mapagod. matagal ko na rin kasing napaniwala ang sarili ko na superwoman ako kaya sige lang ako ng sige. minsan ang pakiramdam ko, tumatakbo ako ng palayo ng palayo na parang nagiging anino na lang ako sa paningin na iba. o kaya'y para akong hangin na dumadaan na di maaring mahawakan ninuman.
masarap tumakbo lalo na kung alam ko ang aking patutunguhan. maliit lang naman ang mundo. kaya ko ito.
***
copyright bvoctober22006
sentimentally yours
****