February 22, 2008

ang ganda ng panahon

ang ganda ng panahon. lumabas ako kanina. nagpaaraw at makita ang araw kung ano ang dala nito. naglakad-lakad ako habang iniisip kung saan masarap kumain. ang taas ng araw pero malamig ang hangin. balik jacket ako at scarf. jacket at scarf palang dahil kaya ko pa naman ang lamig. feeling pretty and smart daw. . . he..he..he... naglakad-lakad ako kasama ng mp3 player habang kinakantahan ako ni rachelle, true faith at shamrock. ang ganda nga ng panahon, kasing ganda ko, kasing ganda ng nasa isip ko. muntik na namang dumale ang switch sa utak ko. hindi naman siya nagwagi. maganda ang panahon, kailangang maganda ang pag-iisip ko.

dinala ako ng paglalakad ko sa chinese restaurant. puno ang lugar pero nong pumasok ako, pakiramdam ko ako lang ang andun. pero nong ginala ko uli ang paningin ko, hindi pala ako nagiisa. habang hinihintay ko ang order, nilabas ko ang paborito kong science magazine. nalaman ko na hindi na pala planeta ang pluto. kawawang pluto.... inisnob na dahil sa kaliitan.

dumating ang order kong dumpling with noodle and soup. yucch... di ko nagustuhan. sana yung chow mein na lang ang kinuha ko. pero inubos ko pa rin kahit di ako enjoy sa lasa. sayang eh. sayang. . . .

naglakad lakad ako uli bago bumalik sa opisina. pagtingin ko sa oras, me tatlumpung minuto pa ako. pero di ko na ginamit. bumalik na lang ako sa trabaho para magupdate ng blog para isulat ito at baka . . . . hmmmm

ang ganda ng panahon... sana laging maganda lahat lahat sa buhay ko.

***
copyright bcoctober162006

No comments: