February 22, 2008

limang kilometro, tatlumpung minuto

maaga akong nagising kahapon. excited tumakbo uli ng limang kilometro. pangako ko to sa isa sa mahal ko sa buhay na inaalala ko kahit isang beses lang sang taon. mahal ko siya pero di ko kayang isipin na wala na siya sa araw araw.

sarap tumakbo. malapit ko na atang maging obsession ito. hinihila ang mga kamay ko na damputin ang aking running shoes pag mejo naging dragging ang araw ko o kung meron akong gustong tanggalin sa isip ko o kaya eh kung gusto kong maaliw o kaya magrelax lang. tatakbo ako, palayo sa bahay, palayo sa mga isipin, palayo sa ingay, palayo sa maraming bagay. ito yung tinatawag kong pag-iwas na sinasadya at ito rin lang ang posible kong gawin para makuha ang satisfaction na gusto ko sa mga oras na iyon. mag-isa akong tumatakbo pero okey na ang mp3 player na tumutugtog ng mga favorite love songs ko. ganado na ako nun at sapat na para di ko maramdaman ang hingal, ang tagaktak ng pawis, ang banat sa bawat hibla ng aking kalamnan.

tatlumpong minuto kong tinakbo ang limang kilometro. gusto ko sanang mas mabilis pa pero di ko kelangang pilitin ang di ko kaya. nakakapagod at marunong din akong mapagod. matagal ko na rin kasing napaniwala ang sarili ko na superwoman ako kaya sige lang ako ng sige. minsan ang pakiramdam ko, tumatakbo ako ng palayo ng palayo na parang nagiging anino na lang ako sa paningin na iba. o kaya'y para akong hangin na dumadaan na di maaring mahawakan ninuman.

masarap tumakbo lalo na kung alam ko ang aking patutunguhan. maliit lang naman ang mundo. kaya ko ito.

***
copyright bvoctober22006

No comments: