okey, aprub..... we pinenally unmasked inday. we got educated about her unporgetable accident in sm with dodong, salvation by her husband jay. but little did you know that inday has a bottom friend living in toronto, canada? read on. . .
***
Matagal na akong wala sa Pilipinas as in matagal na. My belief sa wari ko mga 7 years na akong di nakauwi. Supposably, dapat, nung nakaraang 2 years ago ako umuwi but I didn’t have enough savings para makapag granvacation o para makabili ng mga, alam nyo na. . . pasalubong, di gaya ng iba diyan na shop and drop kung mamili ng panguwi. Excitement on my part na makapaghandout kahit chocolate di ba sa mga expecting faces of my family and relatives and friends. The feeling is heavenly at mas more ang meaning ng kahulugan ng life. Lam nyo ung kasabihang “it’s better to give and to forgive is divine?” Lam nyo ba yun? Yan ata ang aking guidance principle.
Hindi ko natapos ang college pero ako ang bread spinner ng pamilya. Ang magulang ko nakasandal sa akin. Mga kamag-anak ko hingi sa akin. Akala nila nung andito nako sa Canada feeling nila nasa club nine ako lagi. Hindi nila alam, mas pass face ang buhay dito noh? Haaay. . . . Di gaya sa Pinas na okey lang kahit naka hangup ka sa isang sari-sari store ng buong maghapon, nakaupo at nagchichismisan habang kumakain ng kornik o nagbabalat ng nilagang mani, buhay ka na, solve na ang isang araw. Lang iniintindi, lang mga insu insurance at kung anu ano pang nessesaries na kailangan bayaran.
Anyhow, the reason for my rapping was because I accidentally miss Inday, my one and only bottom friend. Oo, bottom friend ko si Inday at miss na miss ko na siya. Dikit kami in sickness and in breath. Pareho kaming lumaki sa Dipolog na parang isang sisterhood at dahil wala akong kapatid siya na ang aking naging parang sister. Magka-age kami pero sabi ni inay "Ilang secons lang naman ang pagitan nung pinanganak kayu. Sabay kayung inilabas, mas nauna nga lang si Inday." We growth together. Parang ako ang kanyang little sister na inalagaan niya with upmost care. Ang aming memories ay laging nasa corner of my mine especially yung mga tribals ng aming buhay. I couldn’t forget our days nung dalaga na kami at need ng kumita. Napadpad kami sa Bocaue para magrecruit ng mga DH papuntang Israel. Marami kasing ka-competence na agency na nagpapaalis papuntang Japan eh so Inday and me made other plants. Hah. . . those were our challenging everydays and memories floating buy.
Kung bakit naman bigla akong nagreplenish ng memories namin ni Inday ay dahil sa pichures na nakita ko na nakabalot sa pulang cocomban na nakasingit sa aking colorful na diary na nasa ibabaw ng lumang jewelry box na nakapatong sa aking cabinet na natabunan ng mga kahon ng sapatos, na nalatagan ng mga nilabhan kong kumot. Haaaay. . . tuloy the diary was out of my eyeballs dahil sa pagiging pack rug ko. Tsk tsk, aanhin ko ba naman kasi yung mga kahon na wala namang laman? Pag nalaman ni Inday na pack rug pa rin ako hanggang ngayon, for sure she's gonna scare the living headlights out of me. Magagalit talaga yun dahil sensitis sa kalat si Inday. Kaya it's a must to start up my long availing spring cleansing ng aking apartment. Kung kasama ko lang si Inday ngayon, she's will be a big help to me.
Kakatuwang magreplenish talaga ng mga pichures namin ni Inday. Para kaming mga rap model sa aming mga poses.
Si Inday, akala ng marami ay kambal kami because we are the splitting image of each other. Memories of our memories suddenly came in the corner of my mine. . . again. Dikit kami ni Inday. . . bottom friend nga eh, so dikit. Sabay kaming pumasok ng kindergarden. Dami naming secrets. We dont take each other for granite. Paborito namin ang picha pie tsaka yung bistik na maraming sibuyas. Mahilig kaming manood ng movie na tear seeker, yung madrama ba? yung makadagdag damdamin? Stress up ko lagi ung word na "dikit" at "bottom friend" because naisip ko na during our togetherness, na-realize ko na kahit pala bottom friend ko siya, kahit dikit kami, kahit na maraming secrets ang napagsaluhan still i cannot totally lay my head on her shoulders. as in may mga secrets ako na hindi ko pa rin nasabi sa kanya. invincible di ba?
Nagkatuluyan kaya sila ni Jay? Ahhh, si Jay. Hindi alam ni Inday na dead over feel ako sa admirer niya. Dahil kay Jay, dropout niya si Dodong that time ng araw na iyon. Now all the memories are floating buy...Tandang tanda ko, Valentime day nun nung nag perpose si Jay sa kanya. It's hard to accept that it seems para bang walang guy na nagkagusto sa akin eh maganda rin naman ako ah. Unfair eh, may Dodong na nga siya, may Jay pa. My heart was broken into itsy bitsy broken glasses, as in durog na durog.......... na durog. It hurts to see the one I love love someone. Pero I decipher, and i'm very exact about it, to just keep silence dahil si Inday naman na dikit ko, ang sister ko, ang liligaya.
Magsyota palang sila ni Jay when I went over board. All I know, si Inday ang gustung-gustong mag over board pero her plans changed when Jay came to her life. Ako na lang ang umalis to escape away from the smashing painfulness of heartbreaking reality. But you know what? I will be forever in death with Inday. I learned a lot from her especially bago ako mag over board, here in Toronto where life is full of competitors. If not of her i will have no ways and means to express my thinkings and actuations. She is my inventor.
Miss na miss ko na talaga si Inday. One of these ways, the visitation will happen. Sana manalo na ako sa lotto noh? And because it's been a long standing story na yung what i feel for Jay, perhaps siguro I could finally tell her nothing but the truth. Alam ko even though na kahit na there's difference in the world that our lives spin around at this time with dizzying effect, sister ko pa rin siya at magiging dikit pa rin kami dahil sa napakadami at malalim naming pinagsamahan. And even though na kahit na our computer lines didn't disect for a long long long time, I'm very fruity sure, definitely, and appear as the sun . . . . . . . . . magkakaintindihan pa rin kami!
nosebleed!!! he..he..he..
***
copyright bc march72008