October 03, 2013

para sa Lideratong Bumababoy sa Pilipinas

Isinisiksik pa rin ang mga ganid na sarili 
Sa luklukang hindi akma sa inyong kaluluwang ulikba
Ipinaglalantaran ang animo’y banal na hangarin
Sa mata ng inaakalang mangmang na mamamayan

Sala-salabat na katuwiran ang hindi na maituwid
ng bulaang dila at ganid na tangka
maraming buhay na ang nabinbin at tinalangka
dahil sa malaon ng panahon ng taggutom at dusa

sapat na ang pagpapakasasa sa maringal na piging 
ang ganid na pangungulimbat at balighong pamumuno 
handa na ang sibat na titistis sa makapat niyong laman
at tutuhog sa katawang mapangubkob sa buhay ng aba.



No comments: