April 05, 2012
semana santa. . .
mahal na araw, semana santa, banal na araw… anuman ang tawag natin hindi pa rin nagbabago ang tradisyon at obligasyon nating mga katoliko. isa na ang pag-ayuno sa mga bagay na nakakapagbigay saya sa ating katawan, pagtalikod sa mga bagay na materyal, sa gawang mababa at tiwali, taimtim at buong pusong pagdarasal, pangungumpisal, ang tapat na pagbibigay ng ating sarili at pagsuko sa kanya ng ating mga paghihirap para sa paghahanda sa misteryo ng hapis at ng tuwa. ginagawa natin ito upang maalala natin ang paghihirap ni hesukristo para sa ating mga kasalanan at maihikayat ang ating sarili sa buhay na malugod at ispirituwal. ibat iba ang pagunawa at pagpapahalaga natin sa okasyong ito gaya na rin ng pagkakaiba natin sa pagsunod sa kanyang mga utos at sa landas na ating tinatahak. sadyang tanging sarili lang natin ang maliwanag na makakasulyap sa totoong saloobin, sampalataya at pag aninag sa ating panginoon. ngunit sa ating puso at isip, nag-uumigting ang kagustuhang tahakin ang landas ng pagpapakabanal. maligayang pasko ng pagkabuhay sa inyong lahat!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment